TUMAWID ng Border patungong China si North Korean Leader Kim Jong Un, para sa dadaluhang Military Parade sa kabisera na Beijing.
Inaasahan na makikita sa “Victory Parade” ang pagsasama-sama nina Kim, Chinese President Xi Jinping, Russian President Vladimir Putin, at iba pang World Leaders, para sa kanilang kauna-unahang Multilateral International Meeting.
ALSO READ:
Lalaki sa Thailand, sinentensyahan ng hanggang 50 years na pagkabilanggo dahil sa pang-iinsulto sa hari
Royal Palace sa Britain, handang tumulong sa mga otoridad hinggil sa koneksyon ni Former Prince Andrew kay Jeffrey Epstein
14, patay sa pagguho ng gusali sa Tripoli City sa Lebanon
Libo-libong katao, nagluksa para sa mga biktima ng suicide bombings sa Islamabad
Tumawid patungong China ang North Korean leader lulan ng kanyang Armoured Train, na sinasabing mayroong restaurant sa loob ay nagsisilbi ng fine French wines at pagkain, gaya ng fresh lobster.
Ang pagdalo ni Kim ang kauna-unahan para sa isang North Korean Leader upang saksihan ang isang Chinese Military Parade simula noong 1959.
