KINUMPIRMA ng Houthi Rebel Movement ng Yemen na napaslang kanilang self-proclaimed prime minister na si Ahmed Ghaleb Nasser Al-Rahawi sa isang Israeli Air Strike.
Ayon sa grupong suportado ng Iran, ilan pang Senior Houthi Officials ang nasawi nang targetin ng Israel Defense Forces (IDF) ang kabisera ng Yemen na Sanaa noong Huwebes.
ALSO READ:
Sinabi ng rebeldeng grupo na napaslang si Rahawi, kasama ang iba pang Houthi ministers nang atakihin ng Israeli Fighter Jets ang isang pagtitipon sa Sanaa Area.
Nakuha ng Houthis ang kontrol sa malaking bahagi ng North-Western Yemen simula noong 2014 matapos mapatalsik ang kinikilalang gobyerno mula sa Sanaa at naging mitsa ng mapaminsalang Civil War.