10 September 2025
Calbayog City
National

DFA, kinontra ang pahayag ng China sa lumalalang seguridad sa Pilipinas

PINALAGAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang babala ng China sa kanilang mamamayan hinggil sa umanoy mga krimen sa Pilipinas na ang target ay mga Tsino.

Tinawag din ng DFA ang Advisory ng China na “mischaracterization” sa Security Situation ng Pilipinas.

Binigyang diin ni DFA Spokesperson Angelica Escalona na ang mga krimen na inire-report kabilang na ang mga may gawa mismo ay Chinese Nationals laban sa kanilang kababayan, ay maigting na tinutugunan ng mga lokal na awtoridad.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.