2 November 2025
Calbayog City
National

Balasahan sa PNP, 1 sa mga dahilan ng pagsibak kay Gen. Torre bilang pinuno ng organisasyon, ayon sa DILG chief

INAMIN ng Department of the Interior and Local Government na isa sa mga dahilan ng pagsibak kay Police General Nicolas Torre III bilang PNP chief, ay ang ipinatupad nitong balasahan sa organisasyon.

Nang tanungin si DILG Secretary Jonvic Remulla kung may kinalaman ang Reshuffle sa pagsibak kay Torre, sinabi ng kalihim na kabilang din ito sa mga ikinunsidera ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Dagdag ng kalihim, mahirap ang naging desisyon ng pangulo subalit kailangan, at ginawa ito sa ngalan ng “National Interest.”

Una nang inatasan ng National Police Commission (NAPOLCOM) si Torre na bawiin ang ipinatupad nitong Reassignment sa ilang mga opisyal ng pulisya.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.