12 October 2025
Calbayog City
National

9.7 million individuals, naapektuhan ng Habagat at mga Bagyong Crising, Dante, at Emong, ayon sa NDRRMC

LUMUBO na sa mahigit 9.720 million individuals o mahigit 2.661 million families ang naapektuhan ng Habagat at mga nagdaang Bagyong Crising, Dante, at Emong.

Sa pinakahuling Situational Report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 7,479 families o 28,500 individuals ang nasa loob ng Evacuation Centers.

Samantala, nananatili sa tatlumpu’t pito ang Death Toll, na kinabibilangan ng limang kumpirmado at tatlumpu’t dalawang isinasailalim pa sa balidasyon.

Napako rin sa tatlumpu’t dalawa ang bilang ng mga nasugatan sa mga nagdaang kalamidad.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).