BIBISITA sa Pilipinas ang TWICE members na sina Jihyo at Tzuyu, isang buwan bago ang nakatakdang concert ng K-Pop Group sa bansa.
Darating sa bansa ang dalawa para sa isang Brand Event sa September 21.
Samantala, inanunsyo na ng Live Nation ang mga detalye at presyo ng tickets para sa nalalapit na Manila Stop ng “THIS IS FOR” Tour ng TWICE.
Nasa pagitan ng 1,500 hanggang 18,500 pesos ang presyo ng tickets para mapanood ang performance ng K-Pop Group sa Philippine Arena sa Bulacan sa October 4.




