TINAPOS na ni Will Navarro ang maiksing pananatili niya sa Magnolia sa PBA para maglaro sa nalalapit na Season ng Korean Basketball League (KBL).
Inanunsyo ng Club ang paglagda ni Navarro, sa pagtatapos ng halos tatlong buwan nito sa Hotshots, sa kumuha sa kanya sa isang trade para kina Calvin Abueva, Jerrick Balanza, at isang Future Draft Pick sa Northport noong Mayo.
ALSO READ:
Alex Eala, makakaharap si Alycia Parks ng Amerika sa Main Draw Debut sa Australian Open
Venus Williams, bigo sa 1st Round ng Australian Open Tuneup Event
Akari, kumuha ng 3 bagong players bago ang PVL All-Filipino Conference
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 49 matapos ang pagsabak sa ASB Classic
Sa Instagram post, inanunsyo ng Club na ang pagpasok ni Navarro bilang bagong player ng KCC Egis.
Ang paglipat ng Pinoy Cager ay katuparan ng kanyang pangarap na maglaro sa abroad.
Noong 2022 ay nakatakda sanang maglaro si Navarro sa Seoul Samsung sa KBL, subalit hindi natuloy dahil sa Existing Live Contract nito noon sa Gilas Pilipinas.
