NAGPA-tattoo ang Filipino-American comedian na si Jo Koy sa Filipino legend na si Apo Whang Od sa Buscalan, Kalinga.
Ibinahagi ng komedyante sa Instagram ang Signature Three Dots ni Apo Whang Od sa kanyang kanang braso, malapit sa kanyang kamay.
TV Host Bianca Gonzalez, dismayado sa mas mahal na travel cost sa Siargao kumpara sa ibang bansa
Claudine Barretto, inakusahan ng kidnapping ang kanyang personal assistant
Lea Salonga, inaming hiwalay na sila ng mister na si Robert Chien
Willie Revillame, ipinaliwanag kung bakit hindi ipalalabas sa TV5 ang “Wilyonaryo”
Binigyan din niya ito ng hoodie mula sa kanyang “Just Being Koy Tour.”
Pebrero ng nakaraang taon nang parangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Apo Whang Od dahil sa kontribusyon nito sa Philippine Traditional Arts.
Ginawaran ito ng Outstanding Government Worker of 2023 at Presidential Medal of Merit Awards.
Noong 2023 ay na-feature ang pinakamatanda at huling mambabatok sa cover ng Vogue Philippines, kung saan ipinakita niya ang kanyang ganda at lakas.
Samantala, nasa Pilipinas si Jo Koy para sa kanyang “Just Being Koy Tour” sa SM Mall of Asia Arena.
