2 August 2025
Calbayog City
National

Rizal Memorial Coliseum, inihahanda na para sa Boxing Match ni PNP Chief Nicolas Torre at Davao City Acting Mayor Baste Duterte

INIHAHANDA na ang Rizal Memorial Coliseum para sa Charity Boxing Match sa pagitan nina Philippine National Police Chief Gen. Nicolas Torre III at Acting Davao City Mayor Baste Duterte.

Ayon kay Torre inaayos na ang Boxing Ring sa Rizal Memorial Coliseum sa Malate, Maynila para sa laban.

Puspusan na rin ang pag-eensayo ng PNP chief para sa gaganaping laban.

Ani Torre mayroon na ding mga sponsor ang nag-pledge na magdo-donate sila ng pang-ayuda sa mga mamamayan na nasalanta ng bagyo at baha.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).