2 August 2025
Calbayog City
National

PNP Chief Torre, kumasa sa hamon na suntukan ni Baste Duterte; iminungkahing gawin sa Araneta Coliseum ang laban

KUMASA si Philippine National Police Chief Gen. Nicolas Torre III sa hamon na suntukan ni Acting Davao City Mayor Baste Duterte.

Sa panayam sinabi ni Torre na maaari nilang gawing “boxing for a cause” ang suntukan nila ni Duterte para ang kikitain ay maipangtulong sa mga nasalanta ng pagbaha.

Ayon kay Torre maaaring gawin ng boxing match sa araw ng Linggo, sa Araneta Coliseum.

Mas mainam din aniya na gawin itong 12-Round Match para pwedeng pasukan ng sponsors upang mas malaki ang malikom.

Sa kaniyang podcast na “basta Dabawenyo” sinabing nakababatang Duterte na kaya niyang talunin sa suntukan si Torre.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).