22 July 2025
Calbayog City
Metro

Walang pasok sa lahat ng antas sa Metro Manila at sa trabaho sa tanggapan ng gobyerno kumpirmado ng PCO

KINUMPIRMA ng Presidential Communications Office o PCO ang pagsuspinde sa klase sa lahat ng antas sa Metro Manila at sa trabaho sa tanggapan ng gobyerno ngayong araw ng Martes, July 22, 2025.

Ayon kay PCO Secretary Dave M. Gomez inaprubahan ng Malakanyang ang rekomendasyon ng Office of the Civil Defense para sa suspensyon.

Sa Memorandum Circular na nilagdaan ni Executive Sec. Lucas Bersamin, maliban sa Metro Manila ay kasama din sa suspensyon ang mga lalawigan ng Pangasinan, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, Rizal at Occidental Mindoro.

Inatasan naman ang mga ahensya ng gobyerno na ang responsibilidad ay may kaugnayan sa Basic, Vital at Health Services, Preparedness at Response na ituloy ang kanilang operasyon, pinayuhan din ang mga Local Chief Executives na magpatupad ng Localized Cancellation o Suspension ng klase at trabaho sa kanilang nasasakupan kung kinakailangan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).