PINAG-iingat ng Department of Health ang publiko sa kanilang inuming tubig lalo ngayong maraming lugar ang binabaha.
Ayon sa DOH, sa ganitong panahon na nararanasan ang matinding pag-ulan, posibleng ma-kontamina ang inuming tubig mula sa mga nasirang water at sewage pipes na nalubog sa baha.
ALSO READ:
Death toll sa lumubog na MV Kerstin 3 umakyat na sa 57
Commodore Jay Tarriela, hindi aawatin ng Malakanyang sa mga pahayag tungkol sa West PH Sea
Trimester system sa mga paaralan, dapat pag-aralan muna – Sen. Bam Aquino
Human Rights Group humirit na ng arrest warrant laban kina Dela Rosa at Go; sitwasyon ng 2 senador, tatalakayin sa emergency caucus ng Senado
Paalala ng DOH, tiyaking ligtas ang iniinom na tubig sa bahay man o sa Evacuation Center upang makaiwas sa sakit tulad ng cholera, diarrhea, at leptospirosis.
Naghanda na ang DOH ng chlorine tablets bilang isa sa mga Emergency Commodities para may malinis na inuming tubig ang mga inilikas.
Maliban sa paggamit ng chlorine tablets, maaari ring pakuluan ang tubig sa loob ng 2 minuto bago inumin.
