23 July 2025
Calbayog City
Province

3 mangingisda, nasagip matapos lumubog ang kanilang bangka sa El Nido, Palawan

NASAGIP ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tatlong mangingisda matapos lumubog ang kanilang bangka sa El Nido, Palawan.

Inireport sa Coast Guard Station Palawan ng isang resort na isang bangkang pangisda ang lumubog sa Pasindagan Cove.

Agad namang nagpadala ang PCG ng Quick Response Team para magsagawa ng Search and Rescue Mission, at mabilis na natukoy ang lokasyon ng lumubog na bangka at nailigtas ang mga mangingisda.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng paglubog ng bangka.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).