HINIGPITAN ang Seguridad sa Pasig Regional Trial Court (RTC) makaraang makatanggap ng pagbabanta sa pamamagitan ng online ang mga hukom.
Kinumpirma ng Pasig City Police na isang babala ang ipinadala sa Official Gmail Account ng Korte, noong Miyerkules ng umaga, na naglalaman ng malabo subalit nakaaalarmang mensahe.
Nakasaad sa e-mail na “babagsak ang mga judge,” subalit walang mga binanggit na pangalan.
Bilang pag-iingat, dinagdagan ng PNP ang kanilang presensya sa loob at paligid ng Hall of Justice.
Nakipag-ugnayan na rin ang Korte sa PNP Anti-Cybercrime Group para sa Digital Forensic Investigation para ma-trace ang source ng e-mail.