NAGTALAGA si Pope Leo XIV ng Bagong Arsobispo Cebu sa katauhan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy.
Ito ang ikalawang Episcopal Appointment ng Santo Papa sa Pilipinas.
ALSO READ:
Papalitan ni Uy si Archbishop Jose Palma na nagsumite na ng kaniyang Resignation dahil sa pagsapit sa edad na 75 noong March 19.
Sa ulat ng CBCP News, ang 58-anyos na si Uy ang ikalimang Arsobispo ng Cebu.
Tubong Ubay, Bohol at naitalaga siya bilang Obispo sa Tagbilaran noong October 2016.