TINAYA ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na posibleng tumagal ng anim na buwan ang paghahanap sa mga nawawalang sabungero sa Taal Lake, sa Batangas.
Ginawa ni Remulla ang pagtaya nang tanungin ito tungkol sa Findings ng PNP, na nagkumpirmang may mga buto ng tao na narekober mula sa lawa.
ALSO READ:
Tulong ng Japan sa Philippine education, tiniyak sa DepEd
LTFRB, inabisuhan na ang mga tsuper na ipa-validate o papalitan ang kanilang Fuel Subsidy Cards
Paggawad ng special power kay PBBM para maibaba ang excise tax sa langis, aprub sa 1 senador
DOE, pinababantayan ang posibleng pananamantala sa presyo ng langis
Sinabi ng kalihim na marami ang nasawi at hindi madali ang paghahanap ng mga labi sa katubigan na may lawak na 224 square kilometers.
Idinagdag ni Remulla na tatlong taon nang tina-trabaho ng DOJ ang kaso at ngayon ay nasa proseso na sila ng pag-o-organisa para sa presentasyon ng mga ebidensya.
