ISINIWALAT ni Giselle Sanchez na pinagsisihan niya ang pagganap bilang Dating Pangulong Cory Aquino sa kontrobersyal na pelikulang “Maid in Malacanang” ni Darryl Yap.
Sinabi ng aktres na dapat ay pinag-isipan muna niyang mabuti bago niya tinanggap ang role, lalo na’t galing siya sa University of the Philippines.
ALSO READ:
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Gayunman, ang nasa isip niya nang mga panahong iyon ay ang responsibilidad niya bilang artist.
Idinagdag din ni Giselle na tinutulan niya ang eksena kung saan naglalaro ng mahjong ang kanyang karakter, kasama ang mga madre.
Ibinahagi rin niya na ang naturang eksena ay Teaser lamang at hindi bahagi ng pelikula.
