BIGO ang Alas Pilipinas Men na makasampa sa Podium matapos kapusin sa koponan ng Indonesia, sa score na 25-19, 25-27, 25-17.
Nagtapos ang kampanya ng Alas Men sa Leg 1 ng 2025 Southeast Asian V. League o SEA V. League sa ika-apat na pwesto, sa Candon City, sa Ilocos Sur.
ALSO READ:
Alex Eala, makakaharap si Alycia Parks ng Amerika sa Main Draw Debut sa Australian Open
Venus Williams, bigo sa 1st Round ng Australian Open Tuneup Event
Akari, kumuha ng 3 bagong players bago ang PVL All-Filipino Conference
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 49 matapos ang pagsabak sa ASB Classic
Nakapagtala ang Pilipinas ng 2-2 Card, kapareho ng Vietnam, subalit mas mataas ang nakuhang Sets-Won Points ng Vietnam kaya nakuha nila ang Bronze Place.
Nasungkit naman ng Indonesia ang Silver sa pamamagitan ng 3-1 Card habang muling napasakamay ng Thailand sa ikatlong sunod na pagkakataon ang Gold Medal.
