21 July 2025
Calbayog City
Metro

Midwife na nagtuli sa batang nasawi sa Tondo, Maynila, naaresto na

NAARESTO na ang ‘Midwife’ na nagtuli sa 10 taong gulang na batang lalaki sa Tondo, Maynila na pagkatapos ng proseso ay nasawi.

Kabilang ang suspek na si Teresita Clarin sa mga naarestong suspek na ipinrisinta sa media ni Manila Mayor Isko Moreno.

ugreen

Nahaharap si Clarin sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide at Illegal Practice of Medicine.

Ang nasabing suspek ay nauna nang nadakip noong 2023 ng PNP-CIDG dahil sa ilegal na paggamit ng pangalan at license number ng doktor na pinagtrabahuhan niya ng mahigit 20-taon.

Sa Autopsy Report ng pulisya, ang bata ay nasawi dahil sa Brain Hemorrhage na posibleng dahil sa Anesthesia na itinurok sa kaniya.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).