13 October 2025
Calbayog City
Entertainment

Mag-asawang Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta, binawi na ang Cyberlibel Case laban kay Cristy Fermin

INIURONG ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan, at kanyang misis na si Megastar Sharon Cuneta ang kanilang Cyberlibel Complaint laban sa Entertainment Columnist na si Cristy Fermin, kasunod ng Out-of-Court Settlement.

Sa statement mula sa opisina ni Pangilinan, nakasaad na nagkaroon ng Settlement ang magkabilang partido sa pamamagitan ng “Mediation Procedure,” na pinagtibay ng Makati Regional Trial Court Branch 148.

Inihayag ng abogado ng senador na si Atty. Maria Fricela Kim, na dahil hindi na makapagpatuloy ang prosekusyon nang walang kooperasyon ng Private Complainants, nagpasya ang hukom na idismis ang kaso bunsod ng kakulangan ng ebidensya at idineklarang Not Guilty si Fermin.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).