APAT na retailers sa Samar ang inatasan ng Department of Trade and Industry (DTI) na magpaliwanag dahil sa Overpricing sa processed meat sa kabila nang ipinatutupad na Price Freeze bunsod ng San Juanico Bridge Crisis.
Sinabi ni DTI Eastern Visayas Regional Information Officer Anthea Aivi Ancheta na nagsumite na ang mga may-ari ng mga establisimyento ng kani-kanilang paliwanag at kanila na itong pino-proseso.
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Noong June 5 ay idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang State of Calamity sa Eastern Visayas sa loob ng isang taon upang pabilisin ang pagkukumpuni at rehabilitasyon sa San Juanico Bridge at mabawasan ang epekto nito sa mga residente ng Samar at Leyte.
Ipinaalala ng DTI sa lahat ng business owners na ang lalabag sa Price Freeze ay mahaharap sa isa hanggang sampung taong pagkabilanggo, o multa na mula 5,000 hanggang 1 million pesos.
