BINANATAN ni US President Donald Trump ang dating malapit na kaalyado na si Elon Musk hinggil sa plano ng multi-billionaire na maglunsad ng bagong Political Party.
Sinabi ni Trump na ‘ridiculous’ o katawa-tawa na bumuo si Musk ng Third Party.
Ito, aniya ay dahil Two-Party System lamang ang pinaiiral sa US at ang pagdaragdag ng isa pang partido ay makadaragdag lamang sa kalituhan.
Matapos palutangin ang ideya sa mga nakalipas na linggo, nag-post si Musk sa X nitong weekend, na nag-setup siyang America Party para kalabanin ang Republican at Democratic Parties.




