PINAG-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa “WILD” o Waterborne and Foodborne Diseases at iba pang sakit gaya ng Leptospirosis at Dengue.
Ayon sa DOH, ngayong panay-panay na an ang pag-ulan, marami ang tinatamaan ng sakit na Dengue at Leptospirosis.
Paalala ng DOH, kung makararanas ng sintomas ng Dengue gaya ng biglaang mataas na lagnat, pananakit ng katawan, panghihina, rashes, pagdurumi o pagsusuka na may dugo ay agad nang magpatingin sa doktor.
Samantala, ang sintomas naman ng Leptospirosis na nakukuha mula sa bacteria na nasa ihi ng daga ay lagnat, panginginig, pananakit ng ulo at katawan, pagsusuka at paninilaw ng balat.
Ang mga may mararanasang sintomas ay maaari ding magpakonsulta sa pamamagitan ng telekonsulta ng DOH sa Hotline Number na 1555.




