3 July 2025
Calbayog City
Sports

PLDT, pinadapa ang Farm Fresh sa pamamagitan ng Straight Sets sa PVL On Tour

BINUKSAN ng PLDT ang kanilang PVL On Tour campaign sa pamamagitan ng Three-Set Win kontra Farm Fresh, sa score na 25-18, 25-21, 28-26, sa FilOil Eco-Oil Centre sa San Juan.

Binura ng High Speed Hitters ang Four-Point Deficit sa huling bahagi ng Set 3 laban sa Foxies, 19-23, hanggang sa umabot pa sa Match Point na 5-0 Run.

Pinangunahan ni Kiesha Bedonia ang opensiba ng PLDT sa kanyang 14 points na kinabibilangan ng 10 attacks, two aces, at two blocks, na may seven excellent receptions habang nakapagtala ang kanilang Clutch Hero na si Mika Reyes ng 10 points, kabilang ang three blocks.

Mahusay din ang naging depensa ng kanilang captain na si Kath Arado, na gumawa ng 20 excellent digs at 13 excellent receptions, habang nakapag-rehistro si Angge Alcantara ng 20 excellent sets para sa kanyang spikers.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).