3 July 2025
Calbayog City
Overseas

Israel, pumayag sa mga kondisyon para sa 60-Day Ceasefire sa Gaza, ayon kay US President Donald Trump

PUMAYAG ang Israel sa “necessary conditions” para maisapinal ang animnapung araw na tigil-putukan sa Gaza, ayon kay US President Donald Trump.

Sa post sa Truth Social, sinabi ni Trump na makikipag-ugnayan ang Amerika sa lahat ng partido upang matuldukan na ang digmaan.

Gayunman, hindi nagbigay ng iba pang detalye ang US president kung ano ang posibleng laman ng Ceasefire Agreement.

Idinagdag ni Trump na umaasa siyang tatanggapin ng Hamas ang deal dahil kung hindi ay maaring mas lumala ang sitwasyon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).