4 July 2025
Calbayog City
Sports

Pinay Tennis Sensation Alex Eala, kinapos sa kanyang Wimbledon Debut

KINAPOS ang Filipina Tennis Sensation na si Alex Eala sa Defending Champion na si Barbora Krejcikova ng Czech Republic, bagaman nag-iwan ito ng magandang impresyon.

Nanalo ang bente nueve anyos na si Krejcikova laban sa bente anyos na si Eala sa score na 3-6, 6-2, 6-1, sa First Round ng 2025 Wimbledon Women’s Singles, kagabi.

Itinuturing itong Historic Main Draw Debut para sa World No. 56 na Pinay Tennis Sensation na kagagaling lamang sa isa pang Heartbreaking Finals Loss sa Eastbourne Open.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).