SINUSPINDE ng Thailand Constitutional Court, si Thai Prime Minister Paetongtarn Shinawatra habang nakabinbin ang kaso na humihiling ng kanyang Dismissal.
Sa gitna ng suspensyon, patuloy na iimbestigahan ng Korte ang mga reklamo kay Shinawatra, kaugnay ng umano’y banta sa Traditional Social Order ng Thai Kingdom.
Tinanggap naman ng Prime Minister ang desisyon ng Constitutional Court, kasabay ng paggiit na wala siyang ibang hangarin, kundi para sa ikabubuti ng kanyang bansa.
Magsisilbing caretaker si Deputy Prime Minister Suriya Juangroongruangkit habang hinihintay ang hatol ng Korte sa kaso ng Thai P.M.