UMAKYAT sa No. 56 ang Pinay Tennis Star na si Alex Eala sa Women’s Tennis Association Rankings.
Inilabas ang pinakabagong rankings kahapon sa pagtatapos ng Eastbourne Open, at bago ang Wimbledon Tournament ngayong Lunes.
Tumalon ng walong spots ang bente anyos na Pinay mula sa kanyang dating ranking na No. 74 matapos makarating sa Finals ng Eastbourne Open.
Ang dating Career-High ng Pinay Tennis Ace ay naitala sa No. 69 noong Mayo.
Makakasagupa naman ni Eala ang Wimbledon Defending Champion na si Barbora Krejcikova sa unang round ng naturang Grand Slam Tournament bukas.