LABINTATLONG sundalo ang patay makaraang salpukin ng suicide bomber na lulan ng sasakyang may eksplosibo ang Pakistani Military Convoy, malapit sa Afghan Border.
Ayon sa Pakistani Army, inatake ang convoy sa Mir Ali Area ng North Waziristan District.
Malubha ring nasugatan ang tatlong inosenteng sibilyan, na kinabibilangan ng dalawang bata at isang babae.
Samantala, labing apat na militante naman ang napaslang ng army sa operasyon na inilunsad, kasunod ng naturang pag-atake.