26 June 2025
Calbayog City
Entertainment

Anthony Constantino, inamin ang mga nagustuhan niya kay Shuvee Etrata

INAMIN ng Filipino-American model na si Anthony Constantino ang kanyang paghanga sa former “Pinoy Big Brother” housemate na si Shuvee Etrata, at ibinahagi ang mga katangian ng dalaga na kanyang nagustuhan.

Kamakailan ay sinorpresa ni Anthony si Shuvee para bigyan ng mga bulaklak sa isang morning show, kung saan guest ang aktres.

Nang tanungin kung ano ang kanyang nagustuhan kay Shuvee, sinabi ng binata na na-inlove siya sa puso ng dalaga, dahil maganda ang intensyon nito sa bawat tao na nakakasalamuha nito, bukod sa very pretty talaga.

Una nang ibinunyag ni Shuvee na nanligaw sa kanya si Anthony bago siya pumasok sa “Bahay ni Kuya,” at unfair naman aniya kung sasagutin niya ito pero iiwan din dahil papasok siya sa PBB.

Idinagdag ng young actress na nais pa niyang makilala ng husto ang binata bago maglagay ng anumang label sa kanilang relationship.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).