TATLONG hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa serye ng sagupaan laban sa tropa ng pamahalaan sa Barangay Bugas-Bugas, Placer, Surigao Del Norte.
Ayon sa 4th Infantry Division ng Philippine Army, kabilang sa mga napaslang ang isang Roderick Maco Bensing Alyas “Rodel,” top leader ng NPA sa Caraga Region at isang Liezl Dagohoy Mondejar, na binawian ng buhay sa ospital bunsod ng malalang injuries, at isa pang hindi nakilalang indibidwal.
Ang operasyon ay isinagawa ng JOINT forces ng 30th Infantry (Fight On) Battalion, 901t Infantry Brigade, at Intelligence Units sa ilalim ng 4th ID, mula June 13 hanggang 15.
Bukod sa mga nasawi, nasakote rin ng mga awtoridad ang isa pang miyembro ng rebeldeng grupo na si Allan Cacatin alyas “Allen” habang sumuko ang NPA leader na si Ricky Per alyas “Rem.”