MAHIGIT limampung pamilya ang lumikas matapos ang tuloy-tuloy na pag-ulan na nagdulot ng baha sa Zamboanga City.
Ayon sa Emergency Operations Center ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), lumikas pansamantala ang halos tatlumpung pamilya sa Cabatangan Barangay Hall.
ALSO READ:
Pansamantala ring pinutol ang supply ng kuyente sa lugar.
Nagbigay naman ang City Social Welfare and Development ng Relief Assistance sa mga apektdong pamilya.
Samantala, nasa dalawampu’t limang pamilya din ang inilikas sa Ayala Gymnasium matapos abutin ng baha ang kanilang mga bahay.