PATAY sa pamamaril si Dating Lagayan Mayor Jendricks Luna, sa Barangay Dangdangla, Bangued, Abra.
Isinugod ang dating alkalde sa ospital subalit idineklara itong dead on arrival.
Si Luna ay tumakbo para sa Sangguniang Panlalawigan noong nagdaang May 12 Elections subalit hindi nanalo.
Patuloy ang imbestigasyon ng Bangued police upang matukoy ang motibo at nasa likod ng krimen.