12 February 2026
Calbayog City
National

Maximum Suggested Retail Price sa karneng baboy, ibabalik ng DA

IBABALIK ng Department of Agriculture (DA) ang Maximum Suggested Retail Price (MSRP) para sa karneng baboy.

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., target nila na ibalik ang MSRP sa karneng baboy sa katapusan ng Hulyo o unang bahagi ng Agosto, depende kung magkakaroon ng kaunting delay.

Sinabi ni Tiu Laurel na ang Price Limit ay mananatili sa 350 pesos per kilo para sa pigue at kasim.

Idinagdag ng kalihim na malaki ang gagampanang papel ng government corporation na Food Terminal Inc. (FTI), para tugunan ang tumataas na presyo ng karneng baboy sa mga palengke.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).