UMAKYAT na sa labing isa ang nakumpirmang kaso ng monkeypox sa South Cotabato.
Ayon South Cotabato Integrated Provincial Health Office, sa nasabing bilang, lima ang naka-recover na.
ALSO READ:
Ang iba pang aktibong kaso ay pawang nasa stable na kondisyon at nagpapagaling na.
Ang anim na aktibong kaso ay mula sa sumusunod na mga bayan:
Banga – 1
Koronadal – 1
Surallah – 3
T’Boli – 1
Patuloy ang paalala ng Pamahalaang Panlalawigan sa publiko na maging maingat at laging magpatupad ng proper hygiene.