POSITIBO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pag-adopt ng Code of Conduct sa South China Sea.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, tiwala ang pangulo na magkakaroon na ng pinal, sa halip na konklusyon lamang, para sa Legally Binding na Code of Conduct sa South China Sea.
Ito aniya ang dahilan kaya iniakyat ng pangulo ang paksa sa Plenary ng ASEAN, kahapon.
Gayunman, sinabi ni Castro na depende pa rin ito sa pag-uusap ng mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations.
Layunin ng code na magtakda ng rules upang maiwasan ang umiigting na tensyon sa South China Sea.
Sa kasalukuyan ay inaangkin ng China ang halos buong South China Sea, kabilang na ang mga lugar na sinasaklaw ng Pilipinas, Vietnam, Indonesia, Malaysia, at Brunei.




