ISANG pedicab driver ang nasawi sa nangyaring pamamaril sa kahabaan ng national highway sa Brgy. 8, sa bayan ng Pambujan, sa Northern Samar.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga awtoridad, pauwi na umano ang trenta’y siyete anyos na biktima mula sa pakikipag-inuman sa bahay ng kapatid nito sa Sitio Bulod, Brgy. Camparanga, nang makasalubong ang lalaking nakamotorsiklo.
ALSO READ:
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Sa hindi malinaw na dahilan, sinampal ng biktima ang rider ng motorsiklo na gumanti naman sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo ng pedicab driver.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang mahuli ang salarin.
