NAGPAHIWATIG ng posibilidad ang aktres at television host na si Karla Estrada na tumanggap ng posisyon sa gobyerno.
Ito ay sa pagsasabing handa siyang pamunuan ang tourism industry sa Eastern Visayas kung mabibigyan siya ng oportunidad.
 Vicki Belo, sumakay ng MRT sa unang pagkakataon para humabol sa Concert ni Morissette Vicki Belo, sumakay ng MRT sa unang pagkakataon para humabol sa Concert ni Morissette
 South Korean Actor Ji Chang-Wook, makakasama nina Jodi Sta. Maria, Janella Salvador, at Francine Diaz sa Reality Show South Korean Actor Ji Chang-Wook, makakasama nina Jodi Sta. Maria, Janella Salvador, at Francine Diaz sa Reality Show
 Singer ng 90s Hits na “Nanghihinayang,” pumanaw na Singer ng 90s Hits na “Nanghihinayang,” pumanaw na
 Singer na si Jona, nakaranas ng pang-aabuso mula sa sariling ama Singer na si Jona, nakaranas ng pang-aabuso mula sa sariling ama
Noong linggo ay tinanong ng media si Karla na tubong Tacloban City, tungkol sa mga usap-usapan na posible siyang ikonsidera bilang susunod na regional director ng Department of Tourism sa Eastern Visayas.
Bagaman hindi kinumpirma ng actress-TV host ang espekulasyon ay nagpahayag naman ito ng kahandaan na maglingkod.
Idinagdag ni Karla na gustung-gusto talaga niya na tumulong sa pagsusulong ng turismo sa rehiyon.
Inaasahang mababakante ang posisyon dahil sa pagreretiro ni DOT-Eastern Visayas Director Karina Rosa Tiopes.

 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					
									