13 October 2025
Calbayog City
National

Team Kuyog Ta ibinandera ang TRABAHO Partylist sa Zamboanga del Norte

Itinaas ng partidong pinangungunahan ni Dipolog City Mayor Dexter Uy ang mga kamay ni TRABAHO Partylist Ninai Chavez sa kanilang ginanap na Kuyog Ta! Grand Proclamation Rally ngayong buwan ng Abril.

Si Uy ay kasalukuyang tumatakbong gobernador na siyang may platapormang palakasin pa ang lokal na programang pangkabuhayan, turismo at pangkalusugan sa Zamboanga del Norte.

Nasaksihan na ang TRABAHO, bilang 106 sa balota, ang bukod-tanging partylist na kasama sa proclamation rally at motorcade sortie ng Team Kuyog Ta at Team I Lab U.

“Napakainit po talaga ng pagtanggap niyo sa amin kaya po kanina nung nagmomotorcade po kami. Talagang hindi ko mapigilan ngumiti kasi kayo po mismo nung sinasalubong niyo kami, nakangiti kayo sa amin. Kaya maraming, maraming salamat po!,” pagpapasalamat ni Chavez sa mga taga-Zamboanga del Norte.

Para naman sa kanilang adbokasiya para sa mga manggagawa at kanilang pamilya, ibinahagi ni Chavez na nais nilang wakasan ang isang kahig, isang tuka na pamumuhay ng mga Pilipino.

“Gusto naming makapag-ipon kayo. Pag-uwi niyo sa bahay hindi na kayo mamomoblema kung saan ninyo kukunin ang pang-emergency niyo. Kaya sana po inyong suportahan ang 106 TRABAHO Partylist,” pagwiwika ng nominee.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).