22 November 2024
Calbayog City
National

Pagpapatupad ng Magna Carta ng Seafarers, tututukan ng Trabaho Partylist

Napapanahon man para sa Trabaho Partylist ang pagpasa ng Magna Carta for Filipino Seafarers, layunin pa rin nitong tutukan ang pagpapatupad ng batas upang mapagaan ang buhay ng mga marinong Pinoy.

Ayon kay Atty. Mitchelle Espiritu, tagapagsalita ng Trabaho Partylist, dapat itong bantayan sapagkat may mga probisyon sa batas na tinututulan ng ilang grupo ng marino.

Kasama aniya rito ang pangangailangang mag-post ng execution bond kapag nanalo sa kaso ang marino habang nag-aapela ang shipowner o manning agency.

Dagdag ng Trabaho Partylist, babantayan din nito ang prosesong pagdadaanan ng mga marino upang makapag-claim ng kanilang mga benepisyo.

Paliwanag ni Atty. Espiritu, maaaring mahirapan ang mga marino na ma-claim ang benepisyo subalit kailangan nilang patunayan kung ang kanilang sakit o sugat ay dulot ng trabaho.

Dahil dito, maaaring mapilitan aniya ang mga marino na lumapit sa mga abogadong malaki maningil para sa legal services, bagay na tututukan ng Trabaho Partylist tulad ng pagbuo ng grupo ng mga abogado para makapaghandog ng libreng legal assistance sa mga marino.

Noong nakaraang buwan ay pormal na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Magna Carta for Filipino Seafarers, na ayon sa grupo ay isang mahalagang hakbang para dagdagan ang proteksyon ng mga marinong Pinoy.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.