ISINUSULONG ni Parañaque Representative Brian Yamsuan sa Kamara ang pagpapataw ng mas mabigat na parusa laban sa mga nananamantala sa presyo ng langis.
Sa House Bill 8616 na inihain ni Yamsuan, inihirit nitong patawan ng hanggang labinglimang taon na pagkabilanggo ang mga mapatutunayang sangkot sa hoarding at profiteering ng oil products.
ALSO READ:
Ayon sa mambabatas, hindi dapat palagpasin ang ganitong uri ng kasakiman lalo ngayong naghihirap ang mga ordinaryong Pilipino.
Maliban sa mas mahabang taon ng pagkakakulong, nakasaad din sa panukala na dapat itaas ang multa sa mga lalabag sa batas.
Mula sa kasalukuyang twenty thousand pesos hanggang fifty thousand pesos ay gawing three hundred thousand pesos.




