NANAWAGAN ng pinansyal na tulong ang publiko ang pamilya ng veteran actress na si Odette Khan na hanggang ngayon ay nananatili pa rin sa ospital.
Simula noong Feb. 21 ay na-confine na si Khan sa National Kidney and Transplant Institute at kasalukuyang bedridden.
Ginagamot ang veteran actress dahil sa kanyang pneumonia, emphysema, at edema, at kamakailan lamang ay sumailalim sa procedure para alisin ang tubig sa kanyang kanang baga.
Umapela ang anak ni Khan na si Claudette Avelino-Tandoc ng tulong sa publiko dahil nauubusan na aniya ng pondo ang kanilang pamilya.
As of Feb. 27, lumagpas na sa 211,000 pesos ang hospital bill ng aktres, hindi pa kasama ang professional fees, caregiving costs, at mga gamot, at patuloy pa itong nadadagdagan dahil sa ongoing na gamutan.




