SASAILALIM sa maintenance activities ang mga tren ng LRT-1 sa Holy Week.
Sa abiso ng Light Rail Manila Corporation o LRMC, walang operasyon ang LRT-1 mula April 2 hanggang April 5.
ALSO READ:
Sa nasabing mga araw, magsasagawa ng masusing inspeksyon at kinakailangang system upgrades sa buong linya.
Ito ay para matiyak na nasa maayos na kalagayan ang buong linya ng LRT-1 para sa kaligtasan ng lahat ng mga pasahero.
Balik-normal ang operasyon ng LRT-1 sa April 6, araw ng Lunes.
Nauna nang nag-anunsyo rin ng kanilang Holy Week maintenance ang LRT-2 at ang MRT-3.




