MATAPOS makumpleto ang Phase ng EDSA Rehab, tiniyak ng Department of Public Works and Highways na agad lalarga ang Phase 2 ng pagsasaayos sa kalsada.
Ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon, iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na simulan agad ang Phase 2 ng EDSA Rehab upang mas maging magaan at maginhawa ang biyahe ng mga motorista at commuters.
Sinabi ni Dizon na ang mas maayos na kalsada na makatutulong sa mas mabilis na daloy ng trapiko ay solusyon din para mapagaan ang epekto ng krisis sa gasolina.
Una nang sinabi ni Dizon na dalawang buwan na mas maaga sa schedule ang pagtatapos ng Phase 1 ng EDSA rehab.
Mula rin sa seventeen billion pesos ay napababa sa halos six million pesos na lang ang budget para sa proyekto.




