BINALAAN ni Iranian Supreme Leader Ali Khamenei ang US na anumang pag-atake sa kanyang bansa ay magreresulta ng “regional war.”
Kasunod ito ng pagpapadala ni US President Donald Trump ng military assets sa Middle East.
ALSO READ:
Ginawa ng 86-year-old supreme leader ang babala sa harap ng mga supporter na nagtipon-tipon para sa anibersaryo ng pagbabalik ni Ayatollah Ruhollah Khomeini sa Iran mula sa exile sa France noong 1979, na nagresulta sa Iranian revolution.
Sinabi ni Khamenei na nais ng Estados Unidos na ubusin ang Iran at mayaman nitong langis at natural gas resources.
Aniya, ang nangyari sa mga anti-government protest kamakailan ay kapareho ng sa coup dahil maraming government offices, mga bangko, at mosque ang sinalakay.




