TINAYA sa siyamnapung libo katao ang lumahok sa mga rally sa iba’t ibang bahagi ng bansa, sa paggunita ng Bonifacio Day, kahapon.
As of 5 P.M., sinabi ng PNP na 87 protest activities ang nagtapos, habang mayroong tatlumpu’t dalawang iba pa na nagpatuloy.
ALSO READ:
Ang Metro Manila ang may pinakamaraming turnout na mayroong 16,000 participants.
Nagpasalamat naman si PNP Acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa mga organizers, marshals, at mga lumahok dahil sa pagtupad sa kanilang karapatan nang may disiplina at respeto sa Public Order.
Gayunman, mayroon aniyang ilang indibidwal na nagtangkang guluhin ang ilang pagtitipon, subalit agad namang natugunan ng kanilang quick response teams.




