HINDI dapat ikabahala ni Senate President Tito Sotto III ang umuugong na kudeta sa senado.
Ito ang pagtitiyak ni Ombudsman Boying Remulla sa isang panayam matapos na mabigo ang balak sanang pagluklok kay Senador Loren Legarda sa liderato ng Mataas na Kapulungan.
Ayon kay Remulla, nakahanda na ang arresting team para sa mga senador na sangkot sa flood control scandal.
Bagaman walang pinangalanan, ang mga senador na kasalukuyang iniimbestigahan ng DOJ ay sina Senators Chiz Escudero, Joel Villanueva at Jinggoy Estrada.




