IBINASURA ng Muntinlupa Regional Trial Court ang motion to consolidate ni Director Darryl Yap sa dalawang legal cases na isinampa ng Veteran Actor-Host na si Vic Sotto.
Kaugnay ito sa kontrobersyal na trailer ng pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma.”
Hindi kinatigan ni Judge Liezel Aquiatan ng Muntinlupa RTC Branch 205 ang hirit ni Yap na pag-isahin ang petition for a Writ of Habeas Corpus at hiwalay na criminal complaint na 19 counts of cyberlibel, na inihain ni Sotto.
Ipinaliwanag ng korte na ang Habeas Data Petitions ay mayroong hiwalay na procedural rules mula sa criminal complaints sa ilalim ng revised rules of criminal procedure.