SIYAMNAPUNG Palestinian Prisoners ang pinalaya bilang bahagi ng unang bugso ng pinakahihintay na ceasefire deal sa pagitan ng Israel at Hamas, ayon sa Israeli Prison Service.
Kasunod ito ng pagre-release ng Hamas ng tatlong israeli hostages sa red cross sa Gaza City, ilang oras makaraang magsimula ang tigil-putukan, at itinurn-over sa Israeli Military.
Inihayag naman ng Hamas na bawat hostage na kanilang pinakawalan, ay tatlumpung palestinian prisoners ang pinalaya mula sa mga kulungan sa Israel.
Target sa unang six-week phase ng deal na pakawalan ang tatlumpu’t tatlong hostages, kabilang ang mga babae, mga bata, at matatanda, kapalit ng pagpapalaya sa Palestinian Prisoners mula sa Israeli Jails.