SIYAM na pulis na nakatalaga sa Navotas City Police Station ang inalis mula sa kanilang pwesto kasunod ng seryosong alegasyon ng panonortyur na inihain ng abogado ng dalawang murder suspects sa Barangay Bangkulasi.
Batay sa reklamo, walong pulis na unang inakusahan ng Grave Misconduct, Serious Irregularities in the Performance of Duty, Oppression, Conduct Unbecoming of a Police Officer, at Violation of the Anti-Torture Act.
Kapatid ni Dating Manila Mayor Honey Lacuna, kinasuhan si Mayor Isko Moreno at iba pang mga opisyal ng lungsod
3 Dalian train sets, ide-deploy sa MRT-3 simula sa pasko
3 lalaki na nakasuot ng balaclavas sa rally sa Maynila, hinuli ng mga pulis
Lisensya ng driver na nag-counterflow sa QC sinuspinde ng LTO
Sinimulan ng PNP Internal Affairs Service (IAS) ang pag-i-interview sa concerned officers noong Huwebes matapos matanggap ang Subpoena.
Makalipas ang isang araw ay binuksan ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang hiwalay na parallel investigation upang matukoy ang posibleng Administrative Liabilities.
Una nang itinanggi ng Navotas Police ang Torture Allegations at iprinisinta ang recorded video kung saan isa sa mga suspek ang boluntaryong nag-isyu ng Extrajudicial Confession sa harap ng isang abogado.
